Ang Epekto Ng Teknolohiya Sa Pag-Uugali Ng Mga Mag-Aaral

1578 Words Feb 25th, 2011 7 Pages
ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG-AARAL SA BARANGAY 68 SONA1, TUNDO, MAYNILA

Ipinasa ni EMIL ALBERT V. BERTILLO

KABANATA I – ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Panimula

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaringgawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy angkanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon, at ito ay ang teknolohiya.
Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ang teknolohiya
…show more content…
* Magkakaroon ban g sapat na kasagutan at pagbabago sa mga ag-aaral kungsakaling malutas ang mga nakaambang suliranin?

4. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
* para sa mga mag-aaral, dahil sila ang inspirasyon sa paglikha ng pag-aaral na ito.
* para sa mga guro at mga propesor, na nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
* para sa mga magulang, upang maintindihan nila ang kanilang mga anak sa kabila ng kanilang mga pagbabago sa mundo ng modernisasyon.
* para sa Pamantasan, dahil isa itong ambag para sa patuloy pang kaalaman.
* at para sa mga mananaliksik na tatalakay sa asignatura o di kaya’y temang ito sa sa susunod na mga taon.

5. Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa sosyolohoya, istatistika, antropolohiya, teknolohiya, at edukasyon. Ang mga nabanggit na agham ay pawang mga sanggunian para sa tema ng teknolohiya at ang mga dulot nito.
Gayunpaman, hindi nito nasasaklaw ang ano pa mang uri ng agham o ang siyentipikong paraan ng pagkuha ng kasagutan sa katanungan na naibigay.
Ang pag-aaral na ito ay magtatagal ng dalawang lingo sa Barangay 68 Sona 1 ng Tundo, Maynila.

KABANATA II – KAUGNAY NA LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Redmond de Vera, et al (Teknolohistang Pinoy, 2008), ang teknolohiya ay ” nagbibigay…