preview

Ang Kulturang Iluko sa Pilosopiyang Bayan

Satisfactory Essays

Ang Kulturang Iluko sa Pilosopiyang Bayan Ang pag-aaral sa panitikang Iluko ay hindi lamang isang pag-aaral sa kasaysayan nito kundi pati na rin ang pag-unlad ng kulturang Iluko. Ang panitikan ay tinitignan bilang isang dokumentong panlipunan dahil hindi ito isang uri ng sining lamang kundi ayon kay Richard G. Moulton ay isang kombinasyon ng sining at pilosopiya. Marami ang nakasulat tungkol sa mga Ilokano nguni't iilan lamang ang nakakaintindi sa kanila. Upang lubusan natin maunawaan ang panitikan ng mga Iluko, bigyan natin ng pansin ang iilang aspeto ng kanilang kultura. Halos lahat ng panitikan ng mga Ilokano ay "nadumihan" na ng mga Kastila at nilagyan ng mga Kristiyanong isipan. Upang makamit ng isang bansa ang sarili nilang …show more content…

(2) mga salawikain tungkol sa pagpapalaganap ng mga matataas na uri ng kabaitan at nagtatakwil sa mga bisyo. (3) mga salawikain na nagpapahayag ng isang sistema ng mga asal. (4) mga salawikain tungkol sa mga katotohanan at obserbasyon hinggil sa buhay at katutubong tao. (5) mga salawikain na nakakatawa, at (6) mga salawikain tungkol sa samut-samot na bagay. Ayon sa pag-aaral ni Eugenio, nakita niya na maaaring magkaroon ng isang pilosopiya ng buhay ng isang Pilipino. Ang kasabihang, "Ang hindi lumilingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa pinaaroroonan" ay isang halimbawa ng salawikaing nagbibigay halaga sa katangiang Pilipino na pagtanaw ng utang na loob. Nakikita natin ang pilosopiya ng buhay sa mga salawikain at bugtong. Ito ang panitikang dunong ng mga tao hindi nakakapagsulat. Nananatili mga salawikain bilang ang kanilang kaisa-isang pilosopiya. Ang mga salawikain na ito ay mga salawikaing nagpapakita ng pangkalahatang pananaw tungkol sa buhay at ang mga batas na namamahala dito at nagpapahayag ng isang sistema ng mga asal: ·Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman. ·Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan. ( Ti napudpudno a gayyémmo, am-ammontó no addáka ití pelígro.) ·Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan. ( No sáan nga makaammó nga nangtaliáw ti naggapuánna, saán a makadánon ti papanánna.) ·Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak. ( Ti agkuták, isú't nagitlóg)

Get Access