Ang Paginit Ng Mundo

5689 Words Jan 2nd, 2011 23 Pages
Ang Pag-init ng Daigdig (o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong pangklima na ang
…show more content…
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “pangloob” gayundin sa tugon sa pabago-bagong panglabas na pwersang gawa at di-gawa ng tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng mga bulkan, at ng greenhouse gases. Tanggap ng maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang mundo ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko.
Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas ng 30 °C at hindi matitirahan. Kaya sinasabing hindi tama na may debate sa pagitan ng “naniniwala” at “laban” sa hinua na ang pagdaragdang ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid ng mundo ay magbubunga ng mainit na temperatura sa balat ng lupa kung walang magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay tungkol sa netong epekto sa pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.
Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan (ekilibrio) kasama ang pagpwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa inersyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto. Ang mga masusing pag-aaral sa klima
Open Document