Kalagayang Pangkalusugan Ng Mga Obese Obesidad [Pananaliksik]

7332 Words Nov 28th, 2010 30 Pages
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, ang pananaliksik na ito na pinamagatang
“Kalagayang pangkalusugan ng mga Obese” ay inihanda at iniharap ng mananaliksik mula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)

_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)

PASASALAMAT

Buong puso ko,
…show more content…
Upang masagot ang suliraning ito ay kinailangang pag-aralan ng mananaliksik ang mga bagay na nakapaligid sa nasabing suliranin. Kasama sa mga tatalakayin ang pagkain at ang kahalagahan nito, sanhi ng kagustuhan na kumain, at ang mabisang solusyon at rekomendasyon ukol dito.

Ang mga susunod na katanungan ay magsisilbing gabay ng pag-aaral na ito upang lubusan pang mapalawig ang paksa: 1. Ano ang Obesity? 2. Ano ang pagkakaiba ng Obesity sa Overweight? 3. Anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng Obesity? 4. Anu-ano ang mga sintomas ng Obesity? 5. Anu-ano ang sanhi at epekto ng Obesity? 6. Paano malulunasan at maiiwasan ang Obesity?

B. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layuning ipagbigay-alam sa mga… Kabataan: • …ang mga spesipikong detalye tungkol sa obesidad upang kanila rin itong magamit sa kanilang mga pag-aaral. • …na malaki ang pagkakataong ang pagiging obese nila habang bata pa sila ay magiging panghabangbuhay, kaakibat ng mga sakit na maaaring kumitil sa kanyang buhay. • …ang mga posibleng lunas at pag-iwas sa pagiging obese. • …upang mamulat sila o magkaroon sila ng kamalayan sa mga maaaring dulot nito sa kanila o sa ibang tao.

Magulang: • …ang saklaw ng pagiging obese at ang mga kalakip na sakit