Lupain Ng Taglamig

12985 WordsNov 30, 201052 Pages
LUPAIN NG TAGLAMIG Ni Yasunari Kawabata Salin ni Rogelio Sicat “NOON”: lipas na ang panahon ng panganib dahil sa mga pagguho ng yelo, dumating na ang panahon ng pag-akyat sa bundok sa kaluntian na tagsibol. Sa ngayon, mawawala ang mga sariwang gulay sa mesa. Si Shimamura, na nabubuhay sa kawalan ng magawa, ay nakatuklas na kung minsa’y nawawala ang katapatan niya sa sarili, at malimit siyang nagpupuntang mag-isa sa bundok upang mabawi rito ang kung anong bahagi nito. Bumaba siya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng pitong araw sa hangganan sa bundok. Nagpatawag siya ng isang geisha. Gayunman, sabi ng katulong na babae, sa kasawiang-palad ay may selebrasyon nang araw na iyon bilang pasinaya ng isang bagong kalsada; napakaraming tao sa…show more content…
Pakikipagkaibigan, samakatuwid, at hindi ano pa man ang naramdaman niya sa babae. Lumawak ang naging damdamin niya sa kabundukan upang sakupin pati ang babae. Habang papunta sa banyo nang sumunod na hapon, iniwan ng babae ang tuwalya at sabob sa bulwagan at pumasok sa kanyang kuwarto upang kausapin siya. Kauupo pa lamang ng babae nang hilingin niya ritong ikuha siya ng isang geisha.“Ikuha ka ng geisha?” “Alam mo ang ibig kong sabihin.” “Hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan.” Bigla itong tumayo at lumapit sa bintana, namumula ang mukha habang nakatingin sa kabundukan. “Walang ganyang babae rito.” “Huwag mo na akong lokohin.”“Iyan ang totoo.” Mabilis itong bumaling upang humarap sa kanya, at pagkaraa’y naupo sa pasimano ng bintana. “Walang nakakapilit sa geisha na gawin ang ayaw niya. Bahala ang geisha mismo. Serbisyo iyan na hindi maibibigay sa iyo ng otel. Sige, kung gusto mo’y ikaw ang tumawag. Ikaw mismo ang makipag-usap.” “Ikaw ang tumawag para sa akin.”“Bakit ako ang gusto mong gumawa niyan?”“Itinuturing kitang kaibigan. Kaya nga tinatrato kitang mabuti.” “At ganito ang ipagagawa mo sa isang kaibigan?” Gumagaya sa kanyang pamamaraan, ang babae’y tila naging nakakatuwang bata. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit, bumulalas ito: “Ang galing mo naman, at ako pa ang hinilingan mong gumawa ng gayong bagay!” “Ano’ng masama ro’n? Masyado lang akong lumakas pagkaraan ng isang

More about Lupain Ng Taglamig

Open Document