Mga Ibat- Ibang Inaasahan Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagkuha Ng Kursong Accountancy Sa Unibersidad Ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus

3842 Words Feb 17th, 2011 16 Pages
KABANATA 1 MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa “Mga ibat- ibang inaasahan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus”. Gaano ba kahalaga ang kursong ito sa ating lipunan? Bakit ganoon na lamang ang paglago ng mga estudyanteng kumukuha nito? Dito din natin malalaman paano nga ba nagsimula ang Accounting? Sino at paano ito nagsimula at bakit ito tinawag na “Accounting as the language of business”? Ang Accounting ay nagsimula noong 2,000 B.C. sa mga lalawigan ng Babilonia, Greece at Ehipto, at sa Assyria noong 3,500 B.C. nakita sa panahong ito ang mga nakatagong mga papeles na
…show more content…
Ang mga saklaw ng pag-aaral na ito ay sa una at ikalawang taon sa Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus. Nililimitahan nito ang mga estudyante sa una at ikalawang taon sa UPHSD Molino na kumukuha ng Accountancy sapagkat sa kanilang panahon ay hindi pa nila gaano alam ang kahalagahan ng kursong ito sa ating lipunan at ano ang kanilang mga inaasahan sa pagkuha ng kursong ito. Dahil dito, ang pamanahong-papel na ito ay iikot lamang sa mga ganitong usapin at hindi na nito saklaw ang mga usapin at sakop ng aming paksang sinasaliksik.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang pamanahong papel na ito, minabuti namin na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya upang lubos nilang maunawaan ang paksang ito.

Ang Accounting ay isang entity na nagbibigay impormasyon, nagsusukat at nakikipag- communicate tungkol sa mga aktibidad at nagbibigay ng financial condition para sa mas maayos na paggawa ng desisyon. Ang Debtor ay ang mga taong nangungutang ng pera o pagkain o kaya serbisyo na kung saan ay nangangakong bayaran sa tamang panahon. Ang Creditor ay ang mga taong nagpapautang ng pera o serbisyo na maaring makolekta sa takdang panahon o oras. Ang Asset ay isang ekonomik na resources na kinokontrol ng isang industriya na inaasahang maging benepisyo sa kumpanya pagdating ng panahon. Ang Liabilities…