Online Social Network

6862 Words28 Pages
Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008 Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008 TALAAN NG NILALAMAN Pahina I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral a. Abstrak b. Mga Layunin II. III.…show more content…
Ito ay bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon State University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya
Get Access