Panitikan

1530 Words Sep 1st, 2010 7 Pages
KAHULUGAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.

MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN :

• Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
• Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan dumarating sa buhay ng bawat nilalang.
• Ang panitikan ay talaan ng buhay.
• Bungang – isp na isinatitik.
• Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng sangkatauhang nasusulat sa
…show more content…
Ang bansang mapulo at madagat tulad ng sa atin ay mayaman sa larawan diwang pinasisigla at binibigyang kulay ng mga kabundukan, kabukiran at karagatan.
4. Lipunan at Ideolohiya / Pulitika - ang ugaling panlipunan at mga simulating itinaguyod ng bansa ay natatadhana ng kalinangan at kabihasnang isinalalarawan ng panitikan ng bansa.
5. Edukasyon at Relihiyon / Pananampalataya - ang tayog, lalilm at lawak ng kaalaman ng panitikan ay ayon sa kung hanggang saan ang abot ng saklaw ng kaligtasan ng kaluluwa at sining ng karunungan ng mga mamamayan. Ang pananampalatayang dala ng relihiyon, kabihasnan, kalinangan gayundin ang pilosopiya ng edukasyon ay tulung-tulong na tumitiyak sa uri ng panitikan.

MGA YUGTO NG PANITIKANG FILIPINO
1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila – Katutubong Panitikan – mula sa kamula-mulang panahon hanggang sa pananakop na gianwa ni Legaspi noong 1565.
• Ginamit n gating mga ninuno ay ang ALIBATA
• May sarili ng panitikan an gating mga ninuno
• Sumusulat sila mula sa itaas pababa
a. Panahon ng Kuwentong – bayan – ( alamat, mito, epiko, salaysay )
b. Panahon ng karunungang – bayan – ( bugtong , salawikain, palaisipan, kasabihan, kawikaan, bulong )
c. Panahon ng awiting – bayan -
• Soliranin (Rowing Song) – awit sa pamamangka ng mga Tagalog .
• Talindaw ( Boat Song) - awit ng pamamangka
• Diona ( Nuptial or Courtship

More about Panitikan

Open Document