Droga

2987 Words Mar 17th, 2011 12 Pages
Pananaliksik sa Filipino
(Iligal na Droga)

Inihanda nila:
Marie Avigail A. Estanislao
Jayson Quillano
Luigi Landicho
Mark Anthony Ciruelos
Rodelyn Bachillier

I.Panimula

Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang kalagayan ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang iba’t ibang konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila
…show more content…
Dahil dito, mapanganib para sa taong nakainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga pampahina (tulad ng pinagsamang alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.
Dahil sa kaantasan ng pagkapuro o pagkadalisay ng mga pampahinang gamot, nagkakaroon ng mga malalalang mga epekto ito sa katawan ng tao. Kabilang sa mga malalalang epekto at kumplikasyon ng mga pampahina ang pagkakaroon ng HIV o AIDS, Hepatitis B, Hepatitis C, at mga katulad na impeksiyon. Nagiging kinalabasan ang mga ganitong malalalang epekto dahil sa pakikigamit ng taong nalulong sa pampahinang mga gamot na nakikisalo o nakikigamit ng karayom ng hiringgilya, ng mismong hiringgilya, at mga katulad na kasangkapang pang-iniksiyon ng pampahinang mga gamot.
Tinatawag na mga pampasigla o estimulante ang mga bawal na gamot kung nakapagpapabilis o nakapagpapadali ito sa pagtakbo ng pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na rin ng mga mensaheng papunta at palabas mula sa utak ng tao. Dahil sa kanila, dumadagsa rin ang pintig ng puso, tumataas ang temperatura ng katawan, at umaangat din ang presyon ng dugo o nagkakaroon ng altapresyon.
Kabilang sa mga bawal ang kokaina, walang pagrereseta ng manggagamot na mga ampetamina, speed, LSD, at ekstasi.
Kabilang sa mga hindi bawal na pampasiglang gamot ang nikotina ng mga sigarilyo; ang kapeina ng kape, kola, tsokolate, tabletang nakapagpapapayat, at ilang mga

More about Droga

Open Document